Tinawag na isang uri ng panlilinlang ang pagsuspindi ng OceanaGold Philippines Incorporated (OGPI) sa kanilang operasyon sa pagmimina ng minahan sa Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Julie Simongo, chairman ng Samahang Pangkarapatan ng Katutubong Magsasaka at Manggagawa Inc. (SAPAKKMMI) na bahagi lamang ng pagkukunwari ang suspensyon upang itigil na ng mga anti-mining group ang kanilang pagbabarikada.

Dahil dito, sinabi ni Simongo na hindi magpapakampante ang kanilang hanay at nanindigang magpapatuloy ang pagbabarikada sa lugar hanggat hindi napapalayas ang OGPI sa bansa.

Vc Simongo Oct 19

Matatandaang nag-expire ang financial or technical assistance agreement (FTAA) ng OceanaGold noong Hunyo 20, 2019 kung saan nagsumite na ang kompanya ng aplikasyon para maipagpatuloy ang operasyon ng panibagong 25 taon.

-- ADVERTISEMENT --

Una na ring nanindigan ang OceanaGold na maaari nilang ipagpatuloy ang kanilang operasyon batay sa abiso ng Mines and Geosciences Bureau (MGB).