photo credit to LGU Tuguegarao

Tuguegarao City- Tinalakay sa konseho ng Tuguegarao ang panukalang ordinansa kaugnay sa pagpapasa ng annual budget ng lungsod sa taong 2021.

Sa panayam kay City Councilor Reymund Guzman, nakapaloob sa nasabing panukala ang mahigit P1B na pondong ilalaan sa mga development fund ng lungsod.

Aniya, pasado ito sa unang pagbasa at sa mga susunod na pagdinig ay tatalakayin pa ang mga proyektong tutukan sa lungsod.

Sinabi pa niya na aasahang maipapasa ang nasabing panukala bago matapos ang taong 2020.

Kaugnay nito, nakatakda ring ipatawag ang iba’t ibang department heads ng LGU Tuguegarao upang mapag-usapan ang mga proyektong ilalatag at paglalaanan ng nasabing pondo.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, muli ring isinusulong ng konseho ang maigting na pagpapatipad ng ordinansang magbabawal sa single use of plastic.

Iginiit ng opisyal na una ng pinagbigyan ang kahilingan ng mga business owners at mga market vendors na ubusin nalamang ng hanngang November 30 ngayong taon ang kanilang mga stocks na packaging ngunit pagsapit ng December 1, 2020 ay ipatutupad na sa lungsod ang pagbabawal sa mga ito.

Saklaw nito ang pagbabawal sa paggamit ng styro, sando bag, straw at iba pang packaging materials na ginagamit sa mga fastfood establishments at sa palengke.

Sinuman ang mahuhuling hindi susunod ay papatawan ng multang aabot sa P500-P3k mula una hanggang ikatlong paglabag at dagdag pa ang suspensyon ng kanilang mga lisence to operate ng hanggang anim na buwan.

Ginawa ang nasabing hakbang upang maibsan na rin ang tumitinding epekto mga naitatambak na plastic lalo na tuwing may mga kalamidad tulad ng pag-baha.