Mandatory na para sa mga provincial, municipal o city engineers na magsumite ng kopya ng program of works sa mga proyektong ipatutupad sa mga Barangay sa lalawigan ng Cagayan.

Itoy matapos aprubahan ng Sanggunian Panlalawigan ang resolusyon na inihain ni Board Member Rodrigo De Asis.

Layon nito ayon sa bokal na mahalagang malaman ng bawat barangay ang mga proyektong ipinatutupad sa kanilang lugar upang mabantayan ang tamang pagpapatupad sa pondo ng pamahalaan.

Dagdag pa ni De Asis na sa ganitong paraan ay matutukoy ang umanoy modus-operandi ng ilang contractors na nagbabawas o hindi pagpapatupad sa ilang ‘item’ na nasa program of works.

Inaatasan naman ang mga concerned engineers na magsumite ng kopya ng program of works sa mga Brgy Chairman.

-- ADVERTISEMENT --