TUGUEGARAO CITY- Hindi na itutuloy na ipapatupad sa Tuguegarao City ang panukalang pagsusuot ng double face mask.
Sinabi ni Atty. Jonanette Siriban, information officer na ito ang napagdesisyunan sa pagdinig ng Committee on Health ng city council kasama ang Department of Health.
Ayon kay Siriban, sinabi ng DOH na walang silbi ang pagsusuot ng dalawang face mask kung hindi naman tama ang paggamit at kung hindi sumusunod sa minimum health standards.
Kasabay ng paggamit ng face mask ay kailangan din na magsuot ng face shield sa tuwing lumalabas ng bahay lalo na kung pupunta sa mga mataong lugar tulad na lamang sa palengke at grocery stores.
Kaugnay nito, nagbabala si Siriban sa mga lumalabag sa minimum health standards na may ipapataw na karampatang penalty kung sila at mahuhuli.
Matatandaan na iminungkahi ni pamahalaang panlungsod ang pagsusuot ng double face mask bilang dagdag na proteksion laban sa covid-19.
Sa ngayon ay umaabot na sa 1118 ang aktibong kaso ng covid-19 sa Tuguegarao City