TUGUEGARAO CITY- Pasado na sa unang pagbasa sa sangguniang panlungsod ang inihaing panukalang ordinansa ni Councilor Gilbert Labang na nag-oobliga sa mga pampublikong paaralan sa elementarya at sekondarya at sa day care center na payagan ang kanilang mga estudyante na magsuot ng long sleeves at pantalon lalo na kapag panahon ng tag-ulan.

Sinabi ni Labang, chairman ng Committee on Social Services na layunin na maprotektahan ang mga mag-aaral laban sa dengue virus.

Nakasaad din sa panukala ni Labang na isama na rin sa student manual ang nasabing hakbang tuwing panahon ng tag-ulan.

Kasunod ng pagkakapasa nito sa unang pagbagsa, napagkasunduan sa konseho na magkaroon ng public hearing sa panukalang ordinansa bago muling isalang sa second at third reading.

Batay sa datus ng City Health Office, walo na ang namatay dahil sa dengue habang mahigit sa 3,500 ang nagka-dengue sa lungsod mula Enero hanggang ngayong kasalukuyang buwan.

-- ADVERTISEMENT --