Tumaas ang inflation rate sa Region 2 nitong buwan ng Hunyo na naitala sa 5.3 percent mula sa 5.1 percent noong buwan ng Mayo ngayong taon.

Ipinaliwanag ni Ernesto De Peralta ng Philippine Statistics Authority o PSA Region 2 na ang mga factors sa bahagyang pagtaas ng inflation sa nasabing buwan ay dahil sa mataas na transportation index na 20.4 percent noong Hunyo mula sa 18.4 percent noong Mayo.

Sa alcoholic beverages at tobacco ay naitala sa 10.5 percent mula sa 8.8 percent, sa household equipment/ furniture kasama ang maintainance ay naitala sa 4.3 percent, health sa 3.6 percent at .7 percent sa information and communication..

Sinabi ni De Peralta na ang inflation sa Batanes ay 8.7 percent mula sa 8.1 percent, Cagayan na 5 percent mula sa 5.2 percent, Isabela na 5.5 percent mula sa 5.2 percent, Nueva Vizcaya na 5 percent mula sa 3.8 percent at Quirino na 7.7 percent mula sa 7.8 percent.

Kaugnay nito, sinabi ni De Peralta na posibleng tumaas pa ang inflation ngayong buwan ng Hulyo kung patuloy na tataas ang presyo ng langis na nagbubunsod naman ng pagtaas sa transportasyon at nagkakaroon din ng domino effect sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

-- ADVERTISEMENT --