Activated na ang Incident Command System ng Pamahalaang Panglungsod ng Tuguegarao para sa mabilisang pagtugon sa posibleng epekto ng Bagyong Marce.

Ayn kay Mayor Maila Ting Que, patuloy ang monitoring sa pagtaas ng lebel ng tubig sa Pinacanauan river at Cagayan river na maaaring magdulot ng pagbaha sa mga low lying areas.

Naka-preposisyon na rin ang mga ayuda at rescue equipments habang nakahanda ang mga evacuation centers at mga paaaralan para tumanggap ng mga evacuees.

Umaaasa naman ang alkalde na magiging minimal lamang ang magiguing epekto ng bagyong Marce dahil mas ramdam ang ulan kesa sa hangin kumpara sa mga nagdaang bagyo.

Samantala, inaasahang aaprubahan ngayong araw sa special session ng Sangguniang Panglungsod ang resolusyon na ideklara ang state of calamity sa Tuguegarao City dahil sa mahigit P10 milyong pinsala ng bagyong Kristine sa sektor ng agrikultura.

-- ADVERTISEMENT --

Ito ay upang magpapahintulot sa LGU na magamit ang bahagi ng local calamity fund para sa mas malawak na pagpapaabot ng tulong sa mga mamayang lubhang naapektuhan at nawalan ng hanapbuhay dahil sa pagbaha.