TUGUEGARAO CITY-Wala umanong kinalaman sa nanalalapit na paggunita sa holy week ang pagtaas ng presyo ng mga isda sa Cagayan.
Sinabi ni Alexander Agra, National Fisherfolk Director at Regional Director ng Samahan ng mga Mangingisda sa Rehion at Local o SAMARAL na ang mataas na presyo ng mga isda ay dahil sa kulang na suplay.
Bukod dito, sinabi niya na sinasamantala rin ito ng mga middlemen na lalong nagpapataas sa presyo ng mga isda.
Sinabi pa ni Agra na tiyak na lalo pang tataas ang presyo ng mga isda sa panahon ng holy week.
Kabilang sa mga posibleng tataas ang presyo ay ang mga galunggong,tangingue at malaga.
Samantala, pinayuhan ni Agra ang mga mangingisda na tiyakin ang kanilang pag-aalaga sa mga isda ngayong tag-init upang maiwasan ang fishkill.