Inihayag ni Atty. Cyrus Restauro ang Concumer Protection Division Chief ng Department of Trade and Industry o DTI region 2 na may pagtaas sa presyo ng ilang noche buena products.

Sinabi ni Restauro na batay na sa inilabas na bagong suggested retail price ng DTI noong november 23, tumaas ng 1 hanggang 10 percent ang presyo ng mga nasabing produkto depende sa brandt o variant ng mga ito tulad ng ham, keso de bola, spaghatti, spaghetti sauce, all purpose cream, mayonnaise, elbow macaroni at iba.

Gayonman, sinabi pa niya na may dalawa namang variant ng ham ang bumaba ang presyo.

Ito aniya ay kung ikukumpara sa SRP nitong nakalipas na taon sa katulad na panahon.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinaliwanag nito na bagamat hindi basic necessity o prime commodity ang mga noche buena items ay naglalabas ng SRP ang DTI dahil sa mataas na demand sa mga ito ngayong panahon ng kapaskuhan. ‘

Sinabi ni Restauro na nagsimula na ring magsagawa ng monitoring ang kanilang hanay sa presyo ng mga nasabing produkto upang matiyak na nasusunod ang itinakda na SRP.

Idinagdag pa nito na ang ilang factors na nagbunsod sa pagtaas sa presyo ng noche buena products ay dahil sa pastaas ng cost of production, pagtaas ng imporation ng raw materials at maging ng local raw material.

Nakaapekto rin aniya sa presyo ang kaguluhan ngayon sa pagitan ng russia at ukraine at iba pang political issues sa ibang bansa.