TUGUEGARAO CITY-Malaking hamon pa rin umano sa Provincial veterinary Office ng Cagayan ang paghikayat sa mga munisipalid na ipatupad ang tamang pag-aalaga ng mga alagang aso.
Ito ay para makaiwas sa pagkalat ng rabies virus sa probinsiya.
Ayon kay DR. Arnulfo Perez, Provincial Veterinarian ng Cagayan,may mga bayan pa rin na hindi nagpapatupad ng batas sa paghuli ng mga galang aso, pagtali sa mga alagang hayop at ang responsible pet ownership.
Aniya, maraming mga galang aso na sanhi ng pagkalat ng rabies virus at madami din ang mga nakakagat na tao kung kaya’t madami pa rin ang nagpapabakuna sa kanilang opisina.
Sinabi ni perez na importanteng maipatupad ang nasabing batas sa lahat ng mga munisipalidad sa probisyon para maiwasan ang rabies.
Kaugnay nito,sinabi ni Perez na pinapaigting na ng kanilang opisina ang kamapanya sa pagtali sa mga alagang aso kasama ang Department of Agriculture(DA).