Posibleng mapapabilis ang pagtanggal kay Alice Guo bilang alkalde ng Bamban, Tarlac sa pamamagitan ng quo warranto case.
Ito ay matapos na lumabas sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na ang fingerprints nito ay magkapareho sa babaeng Chinese na si Guo Hua Ping.
Sinabi ni Solicitor General Menardo Guevarra na ang fingerprint-matching test result ng NBI ay magpapabilis sa paghahain ng qou warranto case laban sa suspendidong si Alice Guo.
Ayon kay Guevarra na posibleng isasampa sa susunod na buwan.
Ang qou warranto na ang ibig sabihin ay “by what authority,” ay isang special civil action upang malaman kung ang isang indibidual ay may karapatan na humawak ng public office.
Sa ilalim ng Rule 66 ng Rules of court, ang the Solicitor General o public prosecutor ay maaaring isagawa ang nasabing aksiyon para sa qou warranto sa utos ng pangulo ng bansa o sa kanyang inisiyatiba.