TUGUEGARAO CITY- Inihayag ni Acting Mayor Bienvenido De Guzman ng Tuguegarao City na malalaman bukas kung tatanggalin o palalawigin pa ang lockdown sa Centro 9.

Sinabi ni De Guzman na isasailalim muna sa random rapid testing ang ilang residente sa nasabing barangay at kung walang magpopositibo sa covid-19 sa mga ito ay tatanggalin ang lockdown na magtatapos bukas.

Samantala, nilinaw ni De Guzman na hindi na kailangan na isailalim sa zonal containment strategy ang Centro 1 matapos na magpositibo sa

Ito ay matapos na magpositibo sa covid-19 ang isang lalaki na tricycle driver na ngayon ay nasa Cagayan Valley Medical Center dahil sa ibang karamdaman.

Sinabi ni De Guzman na wala namang maraming nakasalamuha ang pasyente na asymptomatic sa nasabing virus.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na matagal na ring tumigil sa pamamasada ang pasyente buhat noong lockdown nang ipatupad ang enhanced community quarantine.

Upang magkaroon ng pagkakitaan ay tumulong din ito sa paggawa ng longganisa subalit matagal na ring tumigil dahil sa ibang karamdaman.

Sinabi ni De Guzman na kaya isinailalim naman sa zoning containment strategy ang Zone 2 ng Brgy. Tanza dahil sa marami umanong pinuntahan at nakasalamuha ang babae na positibo din sa virus.