TUGUEGRAO CITY- Tinaggihan ng sangguniang panlungsod ng Tuguegarao ang kahilingan ni Mayor Jefferson Soriano na tanggalin na ang paniningil ng arkabala sa ambulant vendors na nasa don domingo road.
Sinabi ni Karen Taguinod, ex-officio councilor at chairman ng Ways and Means Committee na ito ay dahil sa tiyak na malaki umano ang mawawala sa kita ng lokal na pamahalaan.
Bukod dito, sinabi ni Taguinod na ito ay upang maiwasan na maaabuso ang kawalan na ng arkabala dahil sa baka magsulputan umano ang maraming ambulant vendors.
Ang mga nasabing vendors ay mula sa palibot ng Tuguegarao Commercial Center na naapektuhan sa road clearing operations.
-- ADVERTISEMENT --