TUGUEGARAO CITY-Kinokondena ng Kabataan Party-list ang naging panukala ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na tuluyan ng i-ban o tanggalin sa registration ng Commission on Elections (Comelec) ang mga Party-list group.

Nakasaad sa panukala ni Dela Rosa na nais niyang tanggalin ang Party-list dahil sa derektang nauugnay umano ang mga ito sa mga makakaliwang grupo o New Peoples Army (NPA).

Ayon kay James Parebes ng kabataan party-list Cagayan-Chapter, isang derektang pag-atake sa legitimacy ng grupo sa pagiging agresibo nito sa pagsulong sa iba’t-ibang karapatan at kapakanan ng mga mamamayan.

Aniya, pawang kasinungalingan lamang at malisyosang paratang ang akusasyon ni Dela Rosa.

Sinabi ni Parebes na maaring magdulot ng panganib ang nasabing panukala sa kanilang mga kinatawan sa kongreso dahil napaparatangan sila ng wala namang katotohanan.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa niya, mula sa limang termino ng Kabataan Party-list ay maraming batas na ang kanilang pinangunahang ipinanukala tulad ng libreng edukasyon sa kolehiyo, libreng access ng internet sa pambuplikong lugar at marami pang iba.

Isa lamang umano itong patunay na ang tanging layunin ng Party-list group ay tulungan ang mga mamamayan lalo na ang mga mahihirap.

Tinig ni James Parebes

Samantala , welcome naman kung ituring ni Parebes ang naging tugon ng Comelec na kung mag-aakusa ay kailangan ng sapat na ebidensiya.