TUGUEGARAO CITY-Nilinaw ni Ferdinand Narciso ng Department of Education Region 2 na hindi bawal na tumanggap ng donasyong medalya o anumang bagay ang mga eskwelahan para sa graduation o moving up ceremonies mula sa mga pulitiko.

Gayonman, sinabi niya na may mga kundisyon na kaakibat ito.

Sinabi niya na dapat ay walang pangalan ng pulitiko sa kanyang donasyon at boluntaryo ito na ibinigay upang hindi sila makulayan ng pulitika ang eskwelahan

Idinagdag pa ni Narciso na pinapayagan din na maging guest speaker ang isang pulitiko basta’t hindi siya mangangampanya.

Samantala, muling pinaalalahanan ni Narciso ang mga eskwelahan tungkol sa “no collection policy” para sa graduation at moving up ceremonies.

-- ADVERTISEMENT --

Gayonman, sinabi niya na kung napagkasunduan ng mga magulang na gumastos para sa pagtatapos ng kanilang mga anak ay pinapayagan naman ito.

Subalit,igiit niya na mas mabuting iwasan na lamang ito upang mawala na rin ang mga reklamo mula sa mga magulang.

Pinaalalahanan din niya ang mga eskwelahan na gawing simple at makabuluhan ang pagtatapos ng kanilang mga mag-aaral.