Suspendido muna ang pagtanggap ng Philippine Postal Corporation o PHLPost ng lahat ng sulat at padala mula Pilipinas papuntang Estados Unidos.
Ayon sa PHLPost, ito’y dahil sa bagong patakaran ng Estados Unidos kung saan inalis ang duty-free exemption at nagpatupad ng karagdagang customs requirements.
Layon daw nitong maiwasan ang abala at pagkaantala sa serbisyo.
Epektibo ang suspensiyon mula noong August 28.
Samantala, para naman sa mga naipadala na bago mag-August 22, pwede pang bawiin ng mga nagpadala ang kanilang items at mag-apply para sa refund basta’t maisumite ang kinakailangang dokumento.
Sakop ng suspensyon ang lahat ng postal items na papuntang U.S. at tatagal ito hanggang sa maglabas ng bagong abiso.
Humingi naman ang PHLPost ng pang-unawa at kooperasyon ng publiko.