Nakasisiguro ang IBON Foundation na ang mga manggagawa sa labas ng National Capital Region ay mahihirapan na makasabay sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sinabi ni Sonny Africa, Executive Director ng nasabing organisasyon, sinabi nito na napatunayan na hindi na nakabubuhay ang kanilang sinasahod.
Aniya na labis na hirap ang pinagdadaanan ng mga manggagawa sa ibang mga probinsiya kung saan mas mababa ang kanilang sahod sa minimum wage ng NCR at hindi na nakakasabay ang inuuwing sahod para sa mga pang araw-araw nilang pangangailangan.
Saad nito na ang mas nakakalungkot pa dito ay hindi natutugunan ang suliranin na ito lalo na’t hindi pinapanigan ng mga kinauukulan ang mga manggagawa.