Tuguegarao City- Pormal na irerekomenda ng grupong kalikasan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagtatanim ng Bacawan sa Manila Bay sa halip na paglalagay ng mga puting buhangin.
Ito ay bunsod ng pagkaanod ng unang itinambak na mga buhanging inilagay sa lugar na umano’y mula pa sa Cebu.
Sinabi ni Leon Dolce, National Coordinator ng Kalikasan People’s Network for the Environment, ang pagpapa-unlad sa aquatic resources sa pamamagitan ng pagtatanim ng Bacawan ang isa sa magandang solusyon sa problema sa Manila Bay.
Malaki rin aniya ang maitutulong nito na mas mahikayat ang mga turistang mamasyal sa lugar tulad nalamang sa white sand beach.
Inirerekomenda rin ng grupo ang paglalagay ng mga isda bahagi ng tatamnan ng bakawan upang makatulong pa sa mga residente sa lugar na ang kabuhayan ay pangingisda.
Tiwala rin ang grupo na ang naturang hakbang ay isang magandang sagot sa suliranin ng pagbaha at pagkatibag ng dalampasigan na mangangailangan lamang ng mababang na pondo.