Obligado na sa mga magkasintahan o magkapareha ang magtanim ng puno bago payagang magpakasal sa bayan ng Lal-lo, Cagayan.

Ayon kay Sangguniang Bayan Secretary Joy Lagarico, sa ilalim ng “Love Tree ordinance” na pangunahing iniakda ni Vice Mayor Maria Olivia Pascual, mabibigyan ng Love Tree Certificate ang magkasintahan na nais magpakasal kung nakapagtanim ang mga ito ng tig-dalawang puno na nakarehistro sa kanilang pangalan.

Layon ng ordinansa na maipalaganap ang environmental protection at preservation para tugunan ang lumalalalng epekto ng climate change sa mundo.

Manggagaling naman sa Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ang mga seedlings na kanilang itatanim sa designated area sa kanilang barangay o sa agro forestry farm ng LGU na matatagpuan sa San Mariano.

Sinabi ni Lagarico na isa sa pinaparami ng LGU ang Lubeg tree na itinuturing na Municipal tree ng Lal-lo dahil sa napakaraming by products ang magagawa sa bunga nito.

-- ADVERTISEMENT --

Ang hindi pagtalima sa probisyon ng naturang ordinansa ay basehan para hindi bigyan ng marriage license ang magkasintahan.

Batay sa datos ng Municipal Civil Registry Office, nasa 167 couples na ang kabilang sa naturang programa, kasama na ang 33 couples na nakatakdang ikasal para sa mass wedding sa June 15.