Mandatoryo na ang pagtatanim ng limang puno ng bawat ikakasal sa bayan ng Pasil, Kalinga.
Sa pamamagitan ng ipinasang ordinansa na iniakda ni Councilor Ronnie Bawalan, bago mabigyan ng marriage license ay kailangang magtanim muna ang mag-partner nang hindi bababa sa limang seedlings bilang suporta sa clean and green program ng munisipalidad.
Ayon sa may-akda ng ordinansa na ito ay bilang proteksiyon sa kalikasan.
Sinuportahan naman ito ni Mayor Alfredo Malannag kung saan layunin din nito na maitanim sa isipan ng bawat mamamayan ang kahalagan ng pangangalaga sa kapaligiran at para makilala bilang cleanest and greenest barangay/municipality sa probinsiya.