TUGUEGARAO CITY-Palalakasin ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA)-Cagayan ang produksyon ng high value crops sa probinsya ng Cagayan bilang paghahanda sa pagbubukas ng port of Aparri.

Ayon kay Engr. Pearl Mabassa, head ng office of Provincial Agriculturist (OPA),isa sa nakikitang potensyal ng probinsya ay ang high value crops.

Kaugnay nito, ipinakilala ng OPA ang pagtatanim ng “sorghum” kung saan mataas umano ang demand nito sa ibang bansa tulad ng China.

Aniya, ang “sorghum” ay isang sangkap sa paggawa ng alak sa lugar at maaaring makapag-export ang probinsya sa pagbubukas ng port of Aparri.

Sinabi ni Mabassa na nadiskubre ang iba’t-ibang uri ng “sorghum” sa lalawigan na akma sa klase ng lupa kung saan nagsimula ng nagtanim ang OPA sa Tuao.

-- ADVERTISEMENT --