TUGUEGARAO CITY- Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na magbukas ang mga lotto outlets sa mga lugar na umiiral ang Modified General Community Quarantine at General Community Quarantine.
Sinabi ni Heherson Pambid, manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa Cagayan na nakakuha ng permit to proceed eng PCSO.
Ayon kay Pambid na maaari na silang tumaya sa lotto games, keno, 2d, 3d at 4d sa mga lotto outlets.
Subalit ang draw ay gagawin pa rin sa National Capital Region.
-- ADVERTISEMENT --
Kaugnay nito, sinabi ni Pambid na kailangan na sumunod ang mga lotto outlets sa mga health safety protocols laban sa covid-19 tulad ng pagsusuot ng face mask at physical distancing.