Nagsimula na ang Japan sa pagsasagawa ng research upang mapag-aralan ang posibilidad na matirahan ang buwan.
Nagsanib-pwersa ang Kyoto University at construction giant Kajima Corp, plano nitong i-develop ang isang lunar habitat na gayang gumawa ng artificial gravity.
Layon ng “Neo Lunar Glass” project na lumikha ng paraboloid structure na kayang gayahin ang Earth-like conditions sa paggamit ng rotation sa paglikha ng gravity.
Inaasahang makukumpleto sa 2030 ang ground-based prototype.
Ang Lunar Glass structure ay magkakaroon ng sukat na 200 metro sa diameter, at 400 metro ang taas na kayang tumanggap ng 10,000 katao.
-- ADVERTISEMENT --
Inaasahang ilulunsad ang proyekto sa kasalukuyang fiscal year.