Photo Credit: SK Chairman Gerald Valdez

Pinuri ni Tuguegarao City Maila Ting-Que ang pagtugon ng mga Brgy officials sa lungsod sa kanyang panawagan kaugnay sa pagtanggal o paglilinis ng mga basura sa kanilang nasasakupan.

Kasabay nito ay sinabi ng alkalde na magiging tuloy-tuloy ang clean-up drive sa lungsod na planong isagawa dalawang beses sa isang buwan kung saan mas pinaigting pa ang paglilinis sa mga kanto at kasuluk-sulukan upang matiyak na walang basurang nagkalat o nakatambak.

Minamadali na rin ng alkalde ang pagkukumpuni sa ilang mga garbage trucks at kanya ring pupulungin ang mga street sweepers at garbage collectors kaugnay sa pagkolekta ng basura.

Aniya, bawat isa ay may responsibilidad na panatilihing maayos ang lungsod upang maiwasan ang anumang uri ng sakit tulad ng dengue.

Umapela rin ang alkalde sa mga residente na gawin ang kanilang bahagi upang mapanatili ang kalinisan sa lungsod sa lahat ng oras sa pamamagitan ng pagtatapon ng basura sa tamang paraan at pagpapanatili ng kalinisan sa loob at labas ng bahay.

-- ADVERTISEMENT --