TUGUEGARAO CITY-Susuportahan umano ng Philippine Chamber of Commerce and Industry dito sa Region 2 ang panukala ni Senator Wyn Gatchalian na idagdag sa curriculum ng senior high school ang financial literacy.

Sinabi ni Cloyd Velasco,regional governor ng PCCI na malaking tulong ito para sa mga kabataan upang maagang matuto kung paano ang tamang paggamit sa pera.

Ayon sa kanya, dapat na maitama ang tradisyon o paniniwala ng mga kabataan na kaya sila nag-aaral ay para makapagtrabaho at kunmita ng pera sa halip ay mag-aral, magtrabaho at matuto sa tamang financial management.

Naniniwala si Velasco na daan ito upang maibsan ang problema sa kagutuman.

Idinagdag pa niya na iba pa rin kung sa murang edad ay natututo sa tamang financial management at hindi lamang sa mga natutunan sa mga magulang sa pagnenegosyo.

-- ADVERTISEMENT --

Iminungkahi ni Gatchalian ang pagtuturo ng financial literacy sa senior highschool lalo na sa mga lalawigan upang makaiwasn ang mga ito sa investment scam.

Ito ay sa gitna na rin ng issue ngayon ng pinakamalaking investment scam na kinasasangkutan ng KAPA Ministry Inc.