TUGUEGARAO CITY-Tinawanan lamang ng militar ang pahayag ng Henry Abraham Command ,New People’s Army na mayroong namatay sa hanay ng kasundaluhan sa mga naganap na engkwentro sa Cagayan nitong mga nakalipas na araw.
Binigyan diin ni Colonel Laurence Mina, commanding officer ng 502nd Infantry Brigade na kasinungalingan ang ipinadalang mensahe sa Bombo Radyo ng nasabing grupo na 18 marines at apat ang namatay sa magkasunod na engkwentro sa Rizal at Gattaran,Cagayan
Sinabi ni Mina na propaganda lang ng NPA ang nasabing hakbang upang ipakita na malakas pa rin ang kanilang hanay subalit sa katotohanan ay mahina at halos maubos na ang kanilang mga miembro
Kasabay nito, sinabi ni Mina na patuloy ang kanilang mahigpit na kampanya laban sa insurgency lalo na ngayong panahon ng halalan upang matiyak na hindi makapagsagawa ng pangingikil ang mga NPA sa mga kandidato
Samantala, sinabi ni Mina na nagsasagawa na sila imbestigasyon sa kung sino ang reponsable sa pagpapakat ng leaflets sa Isabela na nag-uugnay kay Archbishop Sergio Utleg ng Archdiocese ng Tuguegarao sa NPA
Bukod kay Utleg, kasama rin sa leaflets ang anim pang pari