Tila nagsilbi umanong tagapagsalita ng China si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pahayag nito na aksidente sa karagatan ang pagkakabangga ng isang Chinese vessel sa bangkang pangisda ng 22 Filipino sa Recto Bank.

Sa panayam ng Bombo Radyo, nangangamba si Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Izagani Zarate na lalo pang titindi ang pambu-bully ng mga mangingisdang Chinese sa mga Pilipino sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Zarate na pangmamaliit ni Duterte sa insidente ng banggaan sa karagatang sakop ng pilipinas ay pagsuko o pagpapawalang-sala sa mga sangkot na mangingisdang Chinese.

Paniwala pa ng mambabatas na sinubukan lang ng China kung papalag ang mga pinoy sa pinakahuling pambu-bully.

Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na maituturing na “little maritime accident” lamang ito at inatasan ang Philippine Navy na huwag makialam.

-- ADVERTISEMENT --

with reports from Bombo Marvin Cangcang