Tinuligsa ng Malacañang si Senator Imee Marcos kaugnay ng pahayag nito tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos sabihin ng senadora na nagkasakit ang Pangulo dahil wala umanong nag-aalaga rito.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, hindi dapat gawing biro ang kalusugan ng Pangulo at hindi rin dapat maging insincere sa pagbibigay ng komento.

Aniya, ang isang taong may karamdaman ay nangangailangan ng tunay na malasakit at hindi pakitang-tao.

Nauna nang ibinahagi ng Palasyo na isinailalim sa medical observation ang Pangulo matapos makaranas ng discomfort at dinala sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Nakabalik na rin umano ito sa Malacañang at ipinagpatuloy ang kanyang mga tungkulin.

-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ng 68-anyos na Pangulo na nakaranas siya ng diverticulitis, ngunit iginiit na hindi ito seryoso at karaniwan sa mga taong may edad at matinding stress.