Naniniwala ang political analyst na si Ronald Llamas na palatandaan ng pagdistansya ng sarili at pagpostura bilang leader ng isang grupo.
Senyales din umano ito ng dibisyon sa dating solid group nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Matatandaag muling uminit ang isyu ukol sa lamat ng samahan sa UniTeam dahil sa pahayag ng pangalawang pangulo na hindi na sila kandidato kaya walang pangangailangan para manatili sa kaparehong alyansa.
Para kay Llamas, kinailangan itong gawin ni Duterte dahil sa humihinang hatak ng kanilang panig sa Visayas at Mindanao.
Sa pag-iba ng direksyon ng bise presidente bilang bagong opposition leader, maaari aniyang ma-consolidate nito ang political allies nila at maging ang malapit sa dating pangulong Rodrigo Duterte.
-- ADVERTISEMENT --