TUGUEGARAO CITY-Mas maganda umano kung paiigtingin at papalawakin ang relasyon ng Pilipinas sa Korea sa halip na sa bansng China.
Pahayag ito ni dating Senator Heherson Alvarez kasunod ng nagiging magandang relasyon ng China at pilipinas ng kasalukuyang administrayon.
Ayon kay Alvarez, lingid umano sa kaalaman ng lahat ay nagpapaabot ng tulong ang South Korea sa bansa pagdating sa pagpopondo sa mga national programs ng ating pamahalaan.
Aniya, malaki umano ang maitutulong ng Korean Government sa bansa sa pagresolba sa nararanasang climate change o pabago-bagong panahon dahilsa kanilang greening program.
Sinabi ni Alvarez ang ginagawang pagtulong ng Korean Government sa bansa ay bilang kabayaran narin sa pagtulong ng mga sundalong pinoy nang magkaroon ng digmaan sa Korean peninsula.
Dahil dito, nararapat lamang umano na ipagpasalamat ng mga Pilipino ang pagkilala ng Korean Government sa ginawang pagtulong ng mga sundalong Pilipino.