Itinanggi ng Malacañang na may kaalaman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa umano’y P24-bilyong leadership fund na sinasabing inilaan para sa mga senador.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, kung alam ng Pangulo ang naturang pondo, hindi niya ito papayagan. Sinabi rin niyang posibleng pribadong pag-uusap lamang ito sa pagitan ng dating DPWH Secretary Manuel Bonoan at ilang opisyal.

Sa pagdinig sa Sandiganbayan, iginiit ni Bonoan na may tig-P500 milyon umanong allocation ang bawat senador para sa mga proyektong kanilang inirerekomenda, habang umaabot umano sa P1 bilyon ang para sa mga committee chairperson.

Samantala, sinabi ni Castro na wala ring leadership fund sa panukalang 2027 budget ng DPWH sa ilalim ni Secretary Vince Dizon. Aniya, ang mga proyekto ay ibinabatay sa pangangailangan ng mga lokal na pamahalaan at kumpleto dapat ang mga dokumento bago maisumite.

-- ADVERTISEMENT --