Inilarawan ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro bilang nakaaalarma ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na hindi umano siya marunong gumamit ng computer.

Sa ambush interview sa sidelines ng ASEAN Summit sa Cebu, sinabi ni Castro na mismong si Duterte ang umamin na limitado lamang ang paggamit nito ng computer at Zoom meetings lang umano ang kaya niyang gamitin.

Ayon pa kay Castro, nakakabahala ito lalo’t nais umanong tumakbo sa pagkapangulo ni Duterte.

Nauna namang itinanggi ni Vice President Duterte ang ulat na naghagis siya ng laptop sa miyembro ng kanyang legal team na si Atty. Michael Poa.

Sinabi rin ng Bise Presidente na umaasa lamang siya sa kanyang mga kasama pagdating sa digital documents at paggamit ng computer.

-- ADVERTISEMENT --