
Pinayuhan ng Malacañang si Senador Alan Peter Cayetano na huwag umasta na tila siya ang biktima kasunod ng naging pahayag nito kay Senador Sherwin Gatchalian na huwag magpagamit sa Malacañang.
Sa isang press briefing, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na marami ang naapektuhan sa mga naganap kamakailan sa Senado, na aniya ay nangyari sa ilalim ng pamumuno ni Cayetano bilang Senate President.
Ayon kay Castro, mas dapat umanong mag-ingat ang publiko sa mga taong nagpapanggap at nagkukunwaring matuwid. Nilinaw naman niya na wala siyang partikular na tinutukoy, ngunit sinabi rin niyang wala siyang magagawa kung mayroong matatamaan sa kanyang pahayag.
Matatandaang sa isang Facebook Live noong Sabado, sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano kay Senador Sherwin Gatchalian na mag-ingat at huwag magpagamit sa Malacañang o sa ilang kasamahan nito sa kabila ng mga alok na mataas na posisyon.




