TUGUEGARAO CITY- Inihayag ni Governor Manuel Mamba ng Cagayan na dapat na magkaroon ng imbestigasyon sa kung sino ang dapat na mangasiwa at mga karapat-dapat na manirahan sa Palaui Island sa Sta. Ana, Cagayan.

Reaksion ito ni Mamba sa pahayag ng National Commission on Indiginous People o NCIP na ipapa-survey nila ang isla upang matukoy ang mga lupain ng mga katutubo na naninirahan sa lugar para mabigyan na rin sila ng native title.

Ito ay sa kabila ng mungkahi ng ilang ahensiya tulad ng Philippine Coast Guard at Department of Environment and Natural Resources na dapat na magkaroon muna ng technical conference bago ang survey para malaman ang mga dapat na pangangasiwa sa isla.

Ayon kay Mamba, kailangan na magkaroon ng verification kung tunay na mga katutubo at matagal nang naninirahan sa lugar ang mga ito bago pa man sila mabigyan ng titulo.

-- ADVERTISEMENT --

Subalit, sinabi ni Mamba na dapat ay walang mabibigyan ng titulo sa isla dahil sa ito ay isang naval reservation.

Bukod dito, sinabi niya na kung minsan ay ginagamit lang ang NCIP upang makakuha ng lupa sa nasabing isla.

ang tinig ni Mamba

Inihalimbawa ni Mamba ang kaso sa Fuga Island kung saan pinapaalis ang nasa 2,000 na residente doon ng umaangkin sa isla na isang pribadong indibidual.

Sinabi ni Mamba na hindi maaaring solong pagmamay-ari ng pribadong indibidual ang buong isla dahil sa may tinatawag na national patrimony.

Naniniwala si Mamba na malalaking tao ang nasa likod ng pag-aangkin ng mga isla sa lalawigan kaya dapat na ito ay labanan.

muli si Mamba