Handa ang pamahalaan na ilikas ang mga Pilipino sa Taiwan sakaling magkaroon ng pagsalakay mula sa China sa nasabing bansa, ayon sa Malacañang.

Binigyang-diin ng Palasyo na walang dahilan para mag-alala ang publiko hinggil sa posibleng pagsalakay sa Taiwan, lalo na sa gitna ng mga pagsasanay militar na isinasagawa ng China sa paligid ng Taipei.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa mga sundalo na maghanda para sa paglikas ng humigit-kumulang 250,000 na mga Pilipino sa Taiwan, sakaling magkaroon ng anumang pagsalakay.

Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, makatarungan lamang na ipaalala ni Brawner sa mga sundalo at sa publiko ang kahalagahan ng pagiging handa.

Dagdag pa ni Castro, mahalaga na maging handa ang pamahalaan sa anumang posibleng sitwasyon kaugnay ng isyung ito.

-- ADVERTISEMENT --