Magbibigay umano ang pamahalaan ng tig-tatlong ektaryang lupain sa mga Pilipinong magtatapos ng apat na taong kursong may kaugnayan sa agrikultura.
Sinabi ni Department of Agrarian (DA) Reform Secretary Conrado Estrella III, ito ay sa alinsunod sa Executive Order no. 75.
Ayon sa kanya, kabilang din sa bibigyan ang mga retiradong pulis at militar at mga dating rebelde.
Ayon kay Estrella, layunin nito na gawing kaakit-akit ang sektor ng agrikultura sa mga kabataan.
Ipinaliwanag niya na ang hakbang na ito ay upang hikayatin ang mga kabataang Pilipuno na pasukin ang pagsasaka dahil karamihan sa mga magsasaka sa bansa ay may edad na.
Sinabi niya na para maging kuwalipikado sa programa, kailangan lamang na magpalista ang mga aplikante sa regional offices ng DAR.