TUGUEGARAO CITY-Magbibigay ang Pamahalaang Panlalawigan ng Apayao ng 2,000 na alagang itik na nakahanda ng mangitlog sa mga piling magsasaka sa kanilang nasasakupang lugar.

Layon nitong maibsan ng mga magsasaka ang matinding epekto ng covid-19 pandemic at ang naranasang magkakasunod na kalamidad.

Target ng pamahalaang panlalawigan na mabigyan ng alternatibong pagkakakitaan ang mga magsasaka sa pamamgitan ng egg production.

Kabilang sa mga organisasyon na makakatanggap ng tulong ay ang Marag Valley farmers sa bayan ng Luna, Sta Marcela farmers Group, Apayao livestock Agriculture Cooperative at Sta Filomena Farmer sa Calanasan kung saan tig-500 itik ang matatanggap ng bawat organisasyon.

Bukod dito, bibigyan din ang mga benipisaryo ng maintenance feeds, poultry nets, incubator at generator sets.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na una ng sumalang ang mga magsasaka ng apat na buwan na farmer poultry training.

Kaugnay nito, kailangan lamang na maglaan ang mga benipisaryo ng lugar na paglalagyan sa mga matatanggap na alagang itik bilang kanilang counter part.