Namahagi ng tulong ang pamahalaang panlalawigan ng apayao sa mga bedridden senior citizens kung saan nasa 250 mula sa luna, flora at santa marcela ang nabenipisyohan ng naturang inisyatiba.
Ito ay sa pamamgitan ng house to house distribution na isinagawa ng provincial social and welfare development kung saan nakatanggap ang mga naturang benepisyaryo ng ng mga mahahalagang bagay o senior citizen pack na naglalaman ng oatmeal, adult powdered milk, chocolate drinks at mga adult diapers na may kabuuang halaga na 346,350.
Ang nasabing pamamahagi ay bilang direktang tugon sa mga pangangailangan ng mga nakatatanda sa naturang bayan na nabibilang sa vulnerable sector.
Samantala, ayon kay Leeshel Lopez, ang program ocal person ng naturang aktibidad nakatakda ang pamamahagi ng assistance para sa mga natitirang senior citizens sa upper apayao sa susunod na linggo.