Pinalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga katuwang ang tanggapan ng Provincial Environment and Natural Resources ang kanilang mga programa sa kalikasan sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga Job Order employees.

Maglilingkod ang mga kawani bilang quarry checkers sa iba’t ibang extraction sites sa lalawigan, upang tiyakin ang pagsunod sa Implementing Rules and Regulations at ituring ang mga operator bilang mga kasosyo sa pagpapanatili ng isang zero-tolerance policy laban sa anumang paglabag, anuman ang impluwensya o kapangyarihan ng mga lumabag.

Sa naturang pagsasanay, binigyang-diin nina Assistant Provincial Treasurer Ms. Rainelda Gasmena at LTOO III Atty. Melbert Dumalan ang kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad Ng ticketing process kung saan Ang Tanggapan ng Provincial Treasurer ang siyang may tungkuling mangolekta ng buwis at administratibong bayad na may kaugnayan sa operasyon ng quarry.

Binigyang-diin din ni Engr. Sugguiyao, “Ang solusyon sa pagtaas ng kita ay Ang mahigpit na implementasyon ng administratibong bayad.

Anya Kung magiging matagumpay ang paraang ito, ay patuloy nilang ihihire ang mas marami pang job orders upang ipatupad ang mga regulasyon na ito.”

-- ADVERTISEMENT --

Isa sa pangunahing pokus ng pagsasanay ay ang paghahanda sa mga quarry checker sa mga kakayahan na kinakailangan upang magbigay ng feedback at solusyon sa anumang mga problema na kanilang matatagpuan sa kanilang mga tungkulin.

Simula ngayong buwan Ng Hulyo, Ang PeNRO ay magpapatupad ng bagong monitoring sheets para sa buhangin, graba, at iba pang likas na yaman ng lalawigan, habang inaasikaso rin ang mga nakaraang rekord na kailangang ayusin.

Umaabot naman sa 48 job order employees ang ide-deploy sa 23 barangay sa lalawigan, kabilang ang 13 barangay sa Tabuk City, 6 sa Pinukpuk, 2 sa Pasil, at 2 sa Balbalan.

Ang malaking pagtaas ng manpower ay inaashaang makatutulong sa kakayahan ng Pamahalaang Probinsyal Ng kalinga na pangalagaan at bantayan ng maayos ang kanilang likas na yaman.