Pinarangalan ng pamahalaang panlalawigan ng Kalinga si Hergie Tao-wag Bacyadan, ang unang atleta ng Kalinga na nakilahok sa 2024 Summer Olympics sa paris france.

Sinimulan ang Hero’s Welcome para kay Bacyadan sa pamamagitan ng isang motorcade na dumaan sa iba’t ibang paaralan, kung saan mainit na sinalubong ng mga estudyante ang kanilang bayaning atleta.

Si Bacyadan, na mula sa Taloctoc, Tanudan, ay gumawa ng kasaysayan bilang unang Kalinga na lumahok sa Olympics, partikular sa women’s 75 kg (middleweight) boxing division sa Paris france.

Ibinahagi ni Bacyadan ang mga hamong hinarap niya sa kanyang pagsabak kabilang na ang kakulangan ng propesyonal na pagsasanay sa kanyang mga unang taon sa palakasan.

Aniya Ang naging pagsasanay lng niya ay Ang pagbubuhat Ng sako sakong bigas noong panahon Ng knyang kabataan kaya kahit aniya walang propesyunak na pagsasanay ay malaks na sya.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinahayag naman ni Kalinga Gobernor James Edduba ang kanyang pasalamat sa mga nagawa ni Bacyadan at kinilala ang mga sakripisyo nito.

Aniya base sa mga ikinuwento ni bacayadan sa mga pinagdaanan nyang hirap, mga laban, sakripisyo, at sakit ng katawan, ay napagtagumpayan nya ito at naway magsilbing inspiration ito sa bawat ykalinga na gustong sumabak sa kahit anung palakasan