Pinuri ng pamahalaang panlalawigan ng kalinga ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa ambag nito para maiangat ang buhay ng mga mamamayan.

Kinilala ni Governor Ferdinand Tubban ng kalinga ang tulong ng TESDA para magkaroon nang pagkakitaan ang mga hindi sumalang sa formal Education kasama na ang mga out of school youth kung saan nagkaroon ng trabaho matapos sumailalim at nagtapos ng technology and vocational course.

Hinamon naman ni Tubban ang mga nagtapos ng TESDA na tulungan ang kanilang sarili para magkaroon ng pagkakitaan.

Aniya, handa ang gobyerno na magbigay tulong para sa mga nakapagtapos ng TESDA na nangangailangan ng trabaho.

Kaugnay nito, umapel si Tubban sa TESDA na palawakin pa ang pagbibigay impormasyon ukol sa kanilang mga programa para matulungan ang mga mamamayan lalo na ang mga nasa liblib na lugar na magkaroon ng trabaho at pangkabuhayan./ with reports from Bombo Marvin Cangcang

-- ADVERTISEMENT --