Patuloy ang pamamahagi ng DSWD Field Office 2 ng family food packs (FFPs) sa mga pamilyang naapektuhan ng mga pag-ulan dulot ng Shearline at Northeast Monsoon sa rehiyon.
Ayon sa pinakahuling datos ng ahensya noong Enero 17, 2025, umabot na sa 1,795 FFPs ang naipamahagi, na may kabuuang halaga na mahigit P1M.
Ang mga ito ay naipamahagi sa bayan ng Sta. Praxedes na may 1,100 FFPs, Lal-lo,327 FFPs, Lasam, 7 FFPs at Roxas, Isabela na may 361 FFPs.
Sa kasalukuyan, umabot na rin sa 2,625 pamilya o 8,728 indibidwal ang naapektuhan ng umiiral na mga weather disturbances.
Bukod sa pamamahagi ng mga relief goods, patuloy pa rin ang monitoring ng ahensya upang matugunan ang iba pang pangangailangan ng mga naapektuhang residente.
-- ADVERTISEMENT --