Pinamamadali na ng Department of Agriculture (DA) ang pamamahagi ng libreng binhi sa mga magsasakang biktima ng tatlong magkakasunod na bagyo sa Cagayan Valley.
Sa panayam ng Bombo Radyo, umaasa si Dr. Ernesto Guzman, rice program focal person ng DA-RO2 na sa pamamagitan ng ibibigay na high breed seeds ay makakabangon ngayong cropping season ang mga magsasaka sa luging idinulot ng mga bagyo sa Cagayan at Isabela.
Sa kanyang paglilibot, sinabi ni Guzman na karamihan sa mga nasirang pananim ay mga bagong punla pa lamang.
Hindi naman aniya makakaapekto sa rice production ng rehiyon ang P19 milyon na halaga ng danyos sa 1,574 hectares na palayan.
Ayon kay Guzman, dalawang porsyento lamang ito sa kabuuang ektarya ng palayan sa lambak ng Cagayan.
-- ADVERTISEMENT --