Sinimulan na ngayong buwan ng agosto ang pamamahagi ng Monthly Rice Subsidy Program sa mga Benepisyaryo ng TODA, PWDs, Mangingisda, at FRs sa San Mariano Isabela.
Layunin ng programa ng pamahalaan na labanan ang kahirapan at magbigay ng tuluy-tuloy na suporta sa mga kababayan sa nasabing lugar.
Sa ilalim ng programa ay nakatanggap at makakatanggap ang humigit-kumulang 1,716 miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), 434 Persons with Disabilities (PWDs), 75 mangingisda, at 245 Former Rebels (FRs) ng tig-limang (5) kilo ng bigas bawat buwan.
Sa tulong Ng PSWD0 at PESO, ang Provincial Government ng Isabela ay patuloy na itintaguyud ang kapakanan ng lahat ng mamamayan, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan.
Nanatili Rin silang nakatuon sa pagsusulong ng mga programang makatutulong upang maiangat ang buhay ng bawat Isabeleño.
Kaugnay nito Bahagi din sa inisyatibang ito Ang patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan na matulungan ang mga sektor ng lipunan na nangangailangan, lalo na sa panahon ng krisis.
Umaasa naman ang pamahalaang lokal sa pamamagitan Ng mga ganitong programa na mas magiging matatag ang bawat pamilya laban sa hamon ng kahirapan, at makapagbibigay ito ng inspirasyon para sa iba pang programa na naglalayong pagbutihin ang kalidad ng buhay ng mga mamamayan.
Ang programang ito ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development (PSWD) Isabela, Public Employment Service Office (PESO) San Mariano, mga opisyal ng barangay, at kasundaluhan mula sa 95th Infantry Battalion.