Umaabot na sa mahigit tatlong libong pamilya ng Overseas Filipino Woirkers (OFW) na naapektuhan ng Bagyong Quiel ang nakatanggap ng calamity financial assistance ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni OIC Director Luzviminda Tumaliuan ng OWWA-RO2 na mula January 8, 2020, nasa 48% o 3,209 pamilya ng active OFW member ang nakatanggap ng P3,000.

Katumbas ito ng P9.62 milyon ayudang pinansiyal na naipamahagi sa mga apektadong OFW sa bayan ng Abulug, Ballesteros, Sta. Ana, Claveria, Sanchez Mira, Allacapan, Aparri at Sta Praxedes.

Isusunod naman na pupuntahan ng OWWA para sa pay-out ang mga benepisaryo ng programa na kabilang sa labing-isang bayan na isinailalim sa State of Calamity gaya ng Baggao, Pamplona at Gonzaga.

Sa datos ng OWWA, nasa 7,000 active OWWA members ang mabibigyan ng ayuda na magtatapos sa February 7.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni OIC Director Luzviminda Tumaliuan ng OWWA-RO2