Mahigit 100K na punla ng mga assorted na gulay ang naipamahagi na ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) sa isinagawang seedling dispersal sa bayan ng Iguig at Enrile, Cagayan.

Ayon kay Acting Provincial Agriculturist Melvin Mangawil, bawat household ay nakatanggap ng 15 assorted seedlings gaya ng upo, patola, kalabasa at iba pa na maaari nilang itanim sa kanilang mga garden.

Layon nitong matugunan ang mataas na presyo ng mga gulay bunsod ng sunud-sunod na bagyo at baha na nanalasa sa lalawigan.

Sinabi ni Mangawil na magpapatuloy sa mga susunod na araw ang pamamahagi ng punla kung saan patuloy rin ang mass seedling production sa Provincial Farm School and Agri-tourism Center sa Anquiray, Amulung.

-- ADVERTISEMENT --