Maghahain ng Petition for Bail ang kampo ni Ma. Roma Discaya Rimando ng St. Timothy Construction at pamangkin ni Curlee Discaya sa loob ng 10-araw.

Ayon sa legal counsel nitong si Atty. Cornelio Samaniego III, bago aniya ang Petition for Bail ay uunahin ng kampo na igiit sa korte na magkasamang puntahan ang proyekto.

Magsusumite umano sila ng mosyon para sa joint ocular inspection sa sinasabing ghost flood control project sa Cullanan, Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Matatandaang inakusahan si Rimando na hindi naitayo ang proyektong tapos naman talaga umano at sa katunayan, sumobra pa nga ito sa 2.4 na kilometro.

Kasama si Rimando ni Sarah Discaya na nakakulong sa Lapu-Lapu City Jail na kabilang sa mga kaso ay non-bailable na malversation kaugnay ng umano’y P96.5 milyon ghost flood control project sa Davao Occidental.

-- ADVERTISEMENT --

Una nang iginiit ng kampo nito na naapektuhan lamang ang mga proyekto ng mga natural na kalamidad na hindi dapat isisi sa kumpanya.