Tuguegarao City- Dead on the spot ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng isang lalaking nagpanggap na costumer sa Brgy. Buntun, Tuguegarao City.

Kinilala ang nasawi na si Miguel Ortiz, 27 anyos, binata at may-ari ng coco lumber shop sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PLTCOL George Cablarda, hepe ng PNP Tuguegarao, ang suspek sa pamamaril ay nakasuot umano ng itim na sumbrero, itim na pantalon, jacket at naka tsinelas.

Aniya, base sa kuha ng CCTV pasado alas-5 ng hapon kahapon ng naglakad lamang na nagtungo ang suspek sa puwesto ni Ortiz.

-- ADVERTISEMENT --

Makaraan aniya ng dalawang minuto ay agad na binaril nito ang biktima.

Nagtamo ng isang tama ng bala ng Caliber 45 sa ulo si Ortiz na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng pulisya upang matukoy ang motibo sa pamamaril maging ang pagkakakilanlan ng suspek.

Nabatid na ang biktima ay pamangkin ni Tuguegarao City Counselor Boyet Ortiz.