Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) ang supplemental resolution na nagpapalawak sa Anti-Discrimination at Fair Campaigning Guidelines para sa 2025 National at Local Elections.
Ayon sa bagong resolution, itinuturing na safe spaces ang mga aktibidad na may kaugnayan sa halalan tulad ng campaign rallies, caucuses, polling places, presinto, canvassing centers, at pati na rin ang mga election-related platforms tulad ng social media.
Inirerekomenda din na gawing election offense ang mga child abuse, diskriminasyon, incitement, pagpapalaganap ng immoral na doktrina, at racial discrimination.
Paliwanag ni Comelec Chairman George Garcia, bahagi ito ng hakbang ng poll body upang tugunan ang mga insidente ng hindi tamang asal ng mga kandidato sa panahon ng kampanya.
Bukod dito, hindi na rin papayagan ang mga campaign jingle na may mga double meaning.
Ang Task Force SAFE (Special Task Force on Safeguarding Against Fear and Exclusion in Elections) ang tututok sa pagtanggap ng mga reklamo, paggawa ng show cause orders, at magsasagawa ng imbestigasyon o clarificatory hearings kung kinakailangan.
Ang mga kandidato na mapapatunayang lumabag sa mga bagong patakaran ay maaaring ma-disqualify.