Hindi naging hadlang ang nangyaring magnitude 6.9 na lindol sa Cebu City noong September 30 para hindi matuloy ang 2025 Miss Asia Pacific International pageant na ginanap sa Cebu Coliseum kagabi.

Nakuha ni Isabela Fernandez ng Brazil ang korona.

Tinalo ng bagong reyna ang 42 na iba pang aspirants na papalit sa 2024 winner na si Janelis Leyba, na hindi nakadalo sa pageant para ipasa ang korona.

Dahil dito, si 2018 winner Sharifa Akeel-Mangudadatu ang naglagay ng korona kay Fernandez.

First runner-up naman si Anita Rose Gomez ng Pilipinas, second runner-up si Bowonrat Maneerat ng Thailand, third runner-up si Jana Janssens ng Belgium, at fourth runner-up si Delilah Elmira Wildeboer ng Netherlands.

-- ADVERTISEMENT --

Nakulangan si Gomez, na mula sa Zambales para makuha sana ang pang-anim na Miss Asia Pacific International crown, bagamat siya ang early favorite matapos na makuha ang Best in Swimsuit at first runner-up sa evening gown competitions.

Ang kanyang sagot sa question-and-answer portion ay may kaugnayan sa kamakailan lang na kalamidad na nasaksihan din ng ibang delegates.